Ang mga Monumento sa Roxas Boulevard: Ang Flagpole sa Luneta

Standard

Tulad ng nakagawian, ang dalawang buwan na bakasyon ay iuukol upang magsulat ng isang serye ng mga artikulo ukol sa isang makasaysayang bagay o lugar. Taong 2011 nang simulan ito sa serye na may pamagat na “Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Pera” kung saan tinalakay kung paano nakaguhit ang kasaysayan ng bansa sa mga perang papel na unti-unting hindi pinapagamit ng Bangko Sentral.

Sa taong ito, tampok naman ang mga monumento sa Roxas Boulevard. May humigit-kumulang 20 monumento sa nabanggit na kalsada. Layunin ng serye na isa-isahin ang mga monumento, ilahad ang kanilang halaga sa kasaysayan, bakit ito ginawa, bakit sa isang tukoy na lugar ito inilagay, at (kung papalaring makita ang impormasyon) sino ang gumawa sa kanila.

May pito at kalahating kilometro ang haba ng Roxas Boulevard na nagsisimula sa pinagtapusan ng Bonifacio Drive (sa may Anda Circle sa Maynila) at kanto ng Padre Burgos Avenue. Dulo nito ang kanto ng NAIA Road at ang pinagsimulan ng Manila-Cavite Expressway. Tatlo ang lungsod na nakakasakop sa haba nito: ang Maynila, Pasay at Parañaque.

Dating kilala ang Roxas Boulevard bilang Dewey Boulevard, mula kay Admiral George Dewey, ang Amerikanong opisyal ng pwersang nabal na nakatalo sa mga Kastila sa Mock Battle of Manila Bay (1898). Mula naman sa yumaong Pangulong Manuel Roxas ang kasalukuyan nitong pangalan.

Roxas blvd

Tahanan ng mga malalaking hotel, sikat na kainan, ilang gusaling pampamahalaan at mga parke ang Roxas Boulevard. Karaniwan din itong ginagawang pinagdarausan ng mga fun run kung araw ng Sabado o Linggo. Kung wala namang fun run, hitik sa mga taong nagjo-jogging at nagbi-bisikleta ang gilid ng kalsada, lalo na iyong malapit sa Manila Bay. Sa pagsapit ng hapon hanggang gabi, hindi pa rin nawawala ang mga taong namamasyal. Ang ilan upang makita ang paglubog ng araw, may ilan upang pumunta sa mga amusement park.

Sa gawing Maynila, kung saan banda nagsisimula ang Roxas Boulevard at tapat ng monumento ni Jose Rizal, makikita ang isang 107 metro na flagpole. Palaging nakataas ang bandila ng Pilipinas dito, alinsunod sa Batas Republika 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

100_3595

Tinatawag din itong ‘Independence Flagpole’ dahil sa lugar na iyon unang itinaas ang watawat ng bansa noong Hulyo 4, 1945, sabay sa pagbaba ng watawat ng Amerika. Tanda ito ng pagsisimula ng isang malaya at nagsasariling republika. Pinasinayaan ang pangyayaring ito ng pangulo nang panahong iyon, si Manuel Roxas at ng kinatawan ng Pangulo ng Estados Unidos, si Paul V. McNutt. Nakatatak ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng bansa sa likod ng perang papel na isandaang piso. (Para sa mas malalim na pagtalakay sa pangyayaring ito, mangyaring mag-click dito.)

May apat na plake na matatagpuan sa base ng flagpole, isa para sa bawat direksyon.

Sa gawing hilaga, naroon ang plake ng paggunita sa mga nagawa at kasapi ng Kongreso na nagsilbi taong 1946-1949.

Philippine Congress 1946-1949

Sa silangan, direktang kaharap ng monumento ni Rizal, ay ang plake ng pagkilala sa nagawa ng  Joint Executive Committe para sa pagpapasinaya ng Ikatlong Republika.

Joint Executive Committee plaque

Sa kanluran, kaharap ang Manila Bay ay ang plake ng pagpapaalala ng pagpapasinaya ng Ikatlong Republika.

100_3559

Bandang itaas nito ay isa pang mas maliit na plake na nagtatakda kung kailan dapat iwinawagayway ang bandila sa flagpole.

West side Luneta flagpole

At sa gawing timog naman ang plake ng pagkilala sa unang gabinete ng Ikatlong Republika.

First Cabinet Third Republic

Gawa sa marmol ang base kung saan nakapaskil ang mga plake. Halatang kinikiskis upang mapanatili ang kalinisan, lalo’t paminsan-minsa’y naiimbitahan ang Pangulo ng bansa o kaya’y ang alkalde ng Maynila upang itaas ang bandila sa paggunita ng ilang makasaysayang pangyayari.
Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

In Memoriam: Southeast Asia During the Second World War

Standard

Memories make nations endure. This theme seems to reverberate throughout Mr. Shinzo Hayase’s journey in Southeast Asia as he explored countless memorials for World War II in an effort to enlighten the Japanese youth on the atrocities of an infamous war. ‘A Walk Through War Memories in Southeast Asia’ (New Day Publishers, Quezon City, 2010) is literally a walk through as the author takes the reader country by country to memories of the war, immortalized by museums and memorials set up in locations where the fiercest passions to fulfill the call of duty met the turbulent desire to fulfill the call of destiny. It is also an analysis on how nations endure by valuing the memories of the past as these memories echo in the present and reflect the necessary steps to undertake in the future. Devoid of memory, the book suggests, a nation cannot face its bright future as it is haunted by the shadows of its past.
Hayase_front

  It is only in viewing an issue in different vantage points that a person can gain a carefully crafted opinion about it. The Japanese perspective on waging war is as important as the victims’ perspective on hating the perpetrators of war. Ignorance of any of these will result in an unhealthy study of the history of World War II in Asia as the thinker’s biases traps him in drawing fallacious conclusions.

Hayase contributes to solving this bias problem as he presents the carnages of war in a detached, scholarly and unbiased point of view. Armed with nothing but the desire to educate the Japanese youth, the author used the museums and memorials in various Southeast Asian countries as metaphors for the attitude of a people’s attitude on this war. The preservation or neglect of any of the museums and memorials speaks for a people’s thoughts on the event in commemorates.

Hayase_back

Some countries preserve and continue to build their memorials while others refuse to build a simple marker to indicate that some historical event happened in that place sometime in the past. This is not surprising as some countries forgive and forget while some countries forgive but do not forget. Still, some countries cannot forgive for it chose to forget.

In any case, Hayase seems to reiterate that memorials and museums are important for it is only through them that the participants of that historical event gather to commemorate what happened. Commemoration builds and strengthens the memory that is vital in interacting with those who might have been victims in the past. As Japan continues to build these memorials overseas, it hopes to rebuild relations with them. Japan does not wish for rejection, rather it hopes that as it continues to erect these vestiges of the past, it would be easier for the Japanese youth to understand the hatred of other nations to them. It hopes that with the continuous strengthening of memory is the shift of outlook among the victim nations so that the past may not be a hindrance to future peaceful relations.

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Ang Dalawang Tatsulok

Standard

Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi orihinal na kanta ng bandang Bamboo ang ‘Tatsulok’.   Nilikha ng bandang Buklod ang titik at musika ng ‘Tatsulok’ noong huling taon ng dekada ’80. Sinasabing isa ito sa mga awiting naisulat ng Buklod pagkagaling nila sa Paris, kung saan ipinagdiwang ang ika-dalawandaang taong anibersaryo ng Rebolusyong Pranses.

May musikang animo’y pang-folk music ang unang ‘Tatsulok’. Acoustic ang gitara na tinambalan ng isang woodwind at isang percussion na instrumento (hindi ko mawari kung alin sa mga folk instruments ang ginamit). Ang woodwind ang nagbigay ng  malumanay at mahinahong himig samantalang ang percussion naman ang nagpapaalala ng pagbabadya sa nakaambang panganib na pinatutungkulan ng awitin.

Isinapubliko naman ng bandang Bamboo ang revival  ng ‘Tatsulok’ sa halos kaparehas na sitwasyong pang-lipunan nang isapubliko ng Buklod ang orihinal. Taong 2004 nakaranas ng matinding sigwang politikal ang Maynila sa katatapos na eleksyon kung saan nanalo si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang taon matapos mangakong hindi siya tatakbo bilang Pangulo ng bansa. Malaki ang lamang niya sa mahigpit na katunggali na si Fernando Poe, Jr. at marami ang naniwalang may dayaang naganap upang papanaluhin si Arroyo laban kay Poe.

Parehas ang naging kalagayan ng mga tao sa dalawang magkahiwalay na dekadang pinatutungkulan ng ‘Tatsulok’. Ang naging sitwasyon ng mga tao sa panahong ito ang nilalaman ng titik ng awitin.

Kinakausap ng persona si Totoy, na ayon sa unang mga linya ng awitin ay tumatakbo habang may bombang inihahagis at may mga baril na pinapaputok. Nakatutok kay Totoy ang mga bomba habang walang katiyakan kung kanino nakaumang ang mga baril. Sa gitna ng kaguluhang ito, pinaalalahanan ng persona si Totoy na huwag uuwi kung malalim na ang gabi dahil walang katiyakan na makauuwi nga siya nang buhay.

Kung gayon nga ang kaguluhang kanyang nararanasan, ani ng persona, alam ba ni Totoy ang pinagmulan at katapusan nito?

Ang katanungang iyon ang pilit sinasagot ng persona sa buong awitin. Kaya naman ang mga susunod na linya ang maglalarawan sa sitwasyon ng lipunang ginagalawan nina Totoy at ng persona.

Tinukoy ng persona ang dalawang magkalaban: ang pula at dilaw. Sa larangan ng politika, dalawa lamang ang gumagamit ng kulay na ito. Ang dilaw ay para sa mga Aquino, ang Partido Liberal. Ang pula naman ay para sa mga Marcos, ang Kilusang Bagong Lipunan o KBL. Tanyag noong dekada ’70 hanggang ngayon ang tagisan ng dalawang partidong ito, lalo na ang labanan ng kani-kanilang mga personalidad. Mula sa turuan kung sino ang gumawa ng alin, kung sino ang promotor ng kung anong masamang nangyari, batuhan ng batikos ang labanan ng Partido Liberal at KBL.

Maari din namang ang pula ang nagpapatungkol sa mga New People’s Army o NPA, ang armadong sangay ng kilusang Komunista.

Sinasabi ng persona na hindi ang labanang politikal ang sanhi ng kaguluhang nararanasan nila. Ang tunay na ugat ng kaguluhang nararanasan nila, ng persona at ni Totoy, ay ang malaking pagkakaiba sa kalagayan ng mayayaman sa mahihirap. Na ang mahirap ay lalong humihirap at ang kawalan sa yaman ang nagpapahirap sa kanilang makuha ang kanilang naisin sa buhay kaya nakababawas sa kanilang dignidad bilang tao. Ang pagkabawas sa dignidad ay katumbas ng hustisya–hustisyang natatamasa ng mayayaman lamang sapagkat sila lamang ang nakakaabot ng kanilang hangarin sa buhay.

Kakaunti lamang ang nakakatamasa ng hustisyang ito habang ang higit na nakararami ang nagkukumahog para dito. Ang resulta ay isang lipunan kung saan ang namumuno ay iyong nakakariwasa habang pinamumunuan naman ang mga dukha.

Hindi pabor sa higit na nakararami ang ganitong ayos sa lipunan. Ayon sa persona, dapat may gawin si Totoy sapagkat marami ang nakararanas at namamatay dahil sa kaguluhang nararanasan nila, lalo na yaong mga dukha sa kabukiran. Dahil sa kawalan ng perang pampalibing, ibinaon na lamang ang kanilang yumao sa kani-kanilang mga bukid.

Si Totoy ang may hawak sa susi ng katapusan ng gulo: kailangang  mamuno ang higit na nakararami sa kakaunti. Kailangang baguhin ang ayos ng lipunang kanilang ginagalawan. Kailangang ang dukha ang mamayani sa mayayaman.

Bukod sa pagkakaiba sa musika, may kaunting pagbabago sa titik ng awitin mula sa orihinal ng Buklod at sa revival ng Bamboo.

Buklod: Katulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok
Bamboo: Tulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok

Buklod: Hangga’t mas marami ang lugmok sa kahirapan
Bamboo: Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan

Buklod: Hindi matatapos itong gulo
Bamboo: ‘Di matatapos itong gulo

Sa huli, walang tiyak na hakbang na ibinigay ang persona kay Totoy kung paano  mailalagay ang “dukha sa tuktok”. Ang nananatili ay ang kanyang mensahe na kung walang gagawin si Totoy sa kaguluhang kanyang nasangkutan, mananatili at uulit lamang ang nakasanayan: na kailanma’y hindi mabubuwag ang tatsulok at ang dukha’y mananatili sa iisang sulok.

POSTSCRIPT: Ito ang orihinal na Tatsulok (Buklod). Ang ilan sa parte ng sanaysay na ito ay mula sa: http://www.bulatlat.com/news/7-6/7-6-song.htm.

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.