Tag Archives: jp2

Ukol sa diborsyo

Image

UKOL SA DIBORSYO

Ilang ama kaya
ang nag-aabala
na magbasa
ng mga katha
sa kanilang mga anak?

Ilang ina kaya
ang nagtatago
ng litrato
ng kanilang pamilyang kumpleto?

Ilang anak kaya
ang nagsawa
na magbasa
ng mga katha
dahil madalas silang
makakita ng mga litrato
ng mga pamilyang kumpleto
na alam nilang hindi naman totoo?

DAY 4

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Musika at ang mga Alaala

Image

Hindi mabilang ang┬ábeses na paghinto sa pagta-type upang pigilan ang pag-akyat sa lalamunan ng hindi maipaliwanag na bigat sa dibdib. Makailang beses kasing narinig ang kantang “For God so Loved the World” habang nanonood ng isang documentary ukol sa yumaong Santo Papa. ┬áMay kung anong kinakalabit sa kwerdas ng isip ang himig na inawit paulit-ulit noong ako’y isa pa lamang paslit.

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.