Tag Archives: 40 days

Sipon

Standard

May mga pasak
ang tainga
at ang butas sa ilong.
Maya’t maya, napupuwing
ang matang maningning.
Kumakahol ang bibig
sa dami ng bahin,
kaya’t parating idinidiin
ang hawak na napkin

DAY 38

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Advertisements

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, wala ang mata sa harapan

Standard

Sa batok
isinuksok,
ang dapat
nasa tuktok
kaya sapat
ang mukmok,
menos sa pukpok.

DAY 37

 

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.