Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Pera: Ang 200 piso

Standard
Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Pera: Ang 200 piso

Natatangi ang dalawandaang piso dahil ito lamang ang nagpakita ng imahe ng mag-ama na kapwa naging Pangulo ng Pilipinas. Ang nasa harapan ang ama, si Pangulong Diosdado Macapagal.

Kilala ang nakatatandang Macapagal bilang unang Pangulo na tubo sa kahirapan (dahil taliwas sa paniniwala ng nakararami, cacique o may-ari ng lupain ang mga Magsaysay ng Zambales). Nagtapos si Macapagal ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakuha ang pinakamataas na marka ng bar noong 1936. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Katolikong Unibersidad sa mga kursong Doctor of Civil Law at Ph.D. Economics.

Sinikap pag-aralin ni Macapagal ang sarili sa mga Unibersidad na kanyang pinasukan. Ayon sa serye ng mga kolumn ni Manuel F. Martinez sa People’s Journal (hindi ko matunton ang tiyak na petsa sapagkat nawawala ang mga ito sa aking archive), nangungupahan sa Tondo si Macapagal noong mga panahong nag-aaral siya sa UST . Nilalakad ni Macapagal ang hanggang baywang na baha kapiling ang patay na mga hayop at dumi ng tao para makauwi.

Isang mayaman ang nakatulong upang makatapos si Macapagal ng abogasya, si Don Honorio Ventura.

Isang diplomatikong karera ang unang tinahak ni Macapagal bago siya kumandidato bilang Pangalawang Pangulo ni Jose Yulo sa ilalim ng Partidong Liberal. Nanalo siya pero natalo si Yulo at sa kauna-unahang pagkakataon, magkaiba ang partido ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. Partido Nacionalista kasi noon si Pangulong Carlos Garcia.

Pinakakilala si Macapagal bilang ang Pangulo na naglipat ng petsa ng pagdiriwang ng kasarinlan mula ika-4 ng Hulyo sa ika-12 ng Hunyo. Ang unang petsa ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Amerika, ang ikalawa ay ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa España. Ito ang dahilan kaya nasa gawing kanan ng pera ang facade ng bahay ni Emilio Aguinaldo: nagsisilbing paalala na sa lugar na iyon unang nagdesisyon ang ating mga ninuno na kumalas sa mga mananakop.

Nasa likuran naman ng dalawandaang piso ang eksena ng panunumpa bilang Pangulo ng anak ni Pang. Diosdado Macapagal–si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na siya ring unang Pangulo na pumirma sa perang ito. Nanunumpa si Arroyo sa harap ng Punong Hukom na si Hilario Davide. Sa gitna ng dalawang pinakamataas na opsiyal ng bansa ay si Cecilia Paz Razon, ang anak ng dating kalihim ng Department of Budget and Management na si Butch Abad. Makikita sa likuran nila ang dagat ng mga tao na nagkatipon noong Enero 2001 sa EDSA.

Isang placard ang nagbibigay mensahe sa tumitingin kung ano ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Pilipinas:

Kung makakakita ng larawan o makapanonood ng video ng makasaysayang pangyayaring ito, mapapansing hindi lamang silang tatlo ang nasa entablado noon. Naroon din ang asawa ni GMA na si Jose Miguel Arroyo, si Jaime Cardinal Sin at si Senate President Aquilino Pimentel.

MGA TALA:

PHP 200 front: 


PHP 200 reverse:


Aguinaldo house: 


200 Peso Bill - New Design Series, Retrieved from the world wide web
http://philmoney.blogspot.com/2007/04/200-peso-bill-new-design-series.html on 9 May 2012.

Philippine Encyclopedia of the Social Sciences, 1993 ed., s.v. “Macapagal Y Pangan, Diosdado (1910- )”

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s