Ang escudo ng Republika (2)

Standard

Nang magkaroon ng Rebolusyon noong 1896, sari-saring escudo ang ginamit ng bansa dahil maraming pinuno ng rebolusyon ang may kanya-kanyang simbolo. Nang masakop ang Pilipinas ng Estados Unidos, kinailangan na baguhin ang escudo upang magsilbing hudyat ng pagbabago ng pamumuno.

Dinisenyo ang escudo ng US State Department noong 1905. Ipinapakita nito ang panibagong hugis kung saan pinagsama ang korona (mula sa escudo ng bansa na bigay ng España) at ang pananggalang. Napanatili ang simbolo ng kaharian ng Castile at ang kalahating leon-kalahating isda na nilalang. Nag-iba lamang ang mga ito ng kulay. Naging dilaw ang dating pilak na nilalang at naging itim ang bintana at pintuan ng kastilyo. Nagkaroon din ng isang scroll na nagpapakilala sa isang bagong bansa na naitatag: hindi na Las Islas Filipinas, kundi Philippine Islands.

Kasama ang pagbabago sa escudo na katha ng Estados Unidos ay ang mga puti at pulang guhit sa gawing ibaba ng panannggalang. Labintatlo ang mga ito at kumakatawan sa orihinal na bilang ng kolonya ng Estados Unidos na siyang humiwalay sa Gran Britanya noong 1776. Nasa pinakaitaas ng pananggalang ang isang agila na kumakatawan sa Estados Unidos. Ito ang naging escudo ng Pilipinas hanggang 1935, taon ng pagkakatatag ng Pamahalaang Commonwealth.

Kakaunti ang pagbabago: nahati sa tatlong bahagi ang pananggalang at inilagay ang bughaw sa kaliwang bahagi samantalang ang pula sa kanan. Naging puti ang mala-koronang tuktok ng pananggalang at naroon ang tatlong bituin. Puti rin ang likuran ng kalahating leon-kalahating isdang nilalang. Pinaliit din ang agila sa pinakaitaas. Sa pagbabago ng pamumuno, pinalitan ang salita sa scroll at ginawang “Commonwealth of the Philippines”.

May isa pang pagbabago ang escudo noong 1938 nang itatag ni Pangulong Quezon ang Special Committee of Arms of the Philippines. Ngunit hirap sa paghahanap ng larawan kaya nag-sariling sikap na gumawa.

Kapansin-pansin na nagkapalit ng pwesto ang kulay ng bughaw at pula. Naiba rin ang agila sa tuktok ng pananggalang na hindi na nakakapit sa isang sanga ng olibo ngunit may hawak na sanga ng olibo na may walong dahon at walong bunga. Bukod dito, hawak din ng agila sa kanyang paa ang tatlong sibat.

PHOTO CREDITS:
http://www.skyscrapercity.com/showthread.php?t=1193195&page=4

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s