Para kay Mark de Guzman: Ang escudo ng Republika (1)

Standard

Pinag-uusapan natin kanina ang mga coat-of-arms o escudo sa wikang Español (walang literal na salin sa wikang Filipino) at naitanong mo ang ibig sabihin ng escudo ng Republika ng Pilipinas. Mahalagang malaman na nagbabago ang escudo ng bansa habang nag-iiba kung sino ang namumuno dito.

Nang masakop ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila noong 1565, opisyal na naging kolonya ang Pilipinas ng bansang España. Bilang kolonya, nabilang ang Pilipinas sa Indias Orientales Españolas o ang mga teritoryo ng España sa rehiyong Asya-Pasipiko. Ang escudo nito, pati na rin ang sa kaharian ng Madre España, ay halaw sa escudo ng mga kaharian ng Castile at León. Ginamit ito sa watawat ng España noong 1785-1873 at 1875-1931 (kung bakit, kailangan ko ng panibagong sanaysay). Ang bawat kaharian sa Europa noon ay mayroong sariling escudo, na nagbabago depende kung sino ang pamilya (o dinastiya) na naghahari.

Ang larawan sa itaas ang escudo ng kaharian ng Castile at León. Ang nasa ibaba naman ang escudo ng hari ng España.

Taong 1596 nang bigyan ni Haring Felipe II ang lungsod ng Maynila ng isang escudo. Inilarawan ko na ito sa isang post ilang buwan ang nakararaan ngunit upang higit na maipaliwanag, heto ang larawan at kahulugan. Sa Biblioteca de la Real Academia de la Historia sa Madrid ipinaliwanag ang ibig sabihin ng escudo (ang salin at ang orihinal sa wikang Español):

“Armas conocidas de la dicha Ciudad de manila en las dichas Islas Filipinas, un escudo que en la mitad de la parte superior tenga un Castillo de oro en campo colorado y cerrado con puerta y ventana azules, y una corona encima, y en la parte inferior y en campo azul, medio León y medio delfín de plata, armado y lampasado de gules, que son uñas y lengua coloradas, teniendo dicho León en su pata una espada con su guarnición y puño…”

“Coat of arms known to the said City of Manila in the Philippines such a shield in the upper half of the Castle has a red and gold closed field with blue doors and windows, and a crown on top, and the lower in blue field, half lion and half silver dolphin, langued gules armed and which are red nails and tongue, with the Lion in his paw a sword with its garrison and fist … ”

 

Ipinagtataka mo kanina kung bakit naging sea lion ang nasa escudo. Heto ang paliwanag: ang Pilipinas ay kolonya ng España  sa ibayong dagat.

PHOTO CREDITS:

CASTILE AND LEON
http://www.loeser.us/flags/california.html
ESCUDO DEL REY DE ESPANA
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Escudo_del_rey_de_Espa%C3%B1a_abreviado_antes_de_1868_con_tois%C3%B3n.svg

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s