Ang Mabuting Balita ayon sa Sports Page

Standard

Ito na yata ang araw na marami-raming mababasa na magandang balita sa larangan ng sports.

Nariyan ang nanalong muli na PH Dragon boat team sa Florida. Nakuha ng koponan ang ikalawang gintong medalya sa 10th International World Championship ng karera ng dragon boat. (http://sports.inquirer.net/10253/philippine-dragon-boat-team-breathes-fire-strikes-gold)

Sa basketball naman, natalo ng Smart Gilas ang Iran, kampeon ng Jones Cup. Matagal nang inasam ang panalong ito matapos ang mga nakaraang laban sa Iran na may hindi kanais-nais na resulta. (http://www.abs-cbnnews.com/sports/08/06/11/gilas-beats-mighty-iran)

At kahit wala masyadong atensyon na ibinibigay ang maraming Pilipino sa larong softball, natalo ng ating “softbelles” (koponan ng kababaihan ng Pilipinas sa softball) ang kampeon na Estados Unidos sa Michigan. Ito ang pang-apat na pagkapanalo ng softbelles sa 2011 Big League (16-18) Softball World Series. (http://sports.inquirer.net/10503/manila-softbelles-shock-reigning-world-series-champions)

Kung mapapanood lamang siguro ang mga laban nila, mas masisiyahan siguro ang ating mga kababayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s