May natutuhan akong bago ngayon

Standard

Ito ang dalawang larawan ng isda. Magkamukha halos ang dalawang isdang ito dahil parehas silang sardinas. Ang isa ay may scientific name na Sardinella Fimbriata (solo picture) at ang isa naman ay Sardinella Tawilis (school of Tawilis picture).

May dahilan kung bakit sa Lawa ng Taal lamang matatagpuan ang Tawilis. Noong una, wala pang Lawa ng Taal. Ang mayroon lamang ay isang malaking bulkan na kung tawagin ay isang Volcano Island. Karugtong ng kasalukuyang Lawa ang Dagat ng Visayas. Makikita sa mapa ng Pilipinas sa gallery na may maliit na puwang kung saan maaring dumaan ang mga bangka o barko mula Visayas papunta sa Batangas. Noon pa man, ang katubigan sa bahaging ito ng bansa ang pinaglalagian ng mga Sardinella Fimbriata.

Sa tindi ng pagputok ng bulkan ng

Taal taong 1754, nagsara ang maliit na daanan na ito. Nakulong ang tubig dagat kapiling ng bulkan kaya naging lawa. Ang dating tubig alat ay naging tubig tabang dahil una, wala itong karugtong na isa pang anyong tubig. Pangalawa, humalo ang ulan na bumagsak sa lugar sa tubig alat sa bagong lawa.

Hindi lamang tubig ang nakulong sa Lawa. Kasama dito ay ang isda na namamalagi sa katubigan dito. Kaya naman umangkop ang isdang Sardinella Fimbriata sa kanyang bagong tirahan, ang tubig tabang. Kaya naman ang isdang Sardinella Tawilis ang natatanging species ng Sardinella na makikita sa tubig tabang.

References:

IMAGES

Philippine Map 1700b:http://media.photobucket.com/image/philippine%20map%201700%20spanish/emmanuel_esber/Philippines1700b.jpg
Batangas Map 1911 and 1734:  http://ericzonejam-batangenobiyahero.blogspot.com/2010_08_01_archive.html
Sardinella-fimbriata-1a: http://noeyeddeer.com/fish/images/sardinella-fimbriata-1a.jpg
Sardinella_tawilis_01:http://2.bp.blogspot.com/_Jvp4wT45B4I/St03MTlVZFI/AAAAAAAABQg/fxScpdi7plY/s320/Sardinella_tawilis_01.jpg

WEBPAGES

History of Taal’s activity to 1911 as described by Fr. Saderra Maso. Retrieved 6 August 2011 from the world wide web: http://www.iml.rwth-aachen.de/Petrographie/taal-mas/ta-maso.htm#MASO1754

Villabroza, Milo. Trek to Taal Volcano. Retrieved 6 August 2011 from the world wide web: http://www.aenet.org/treks/taaltrek.htm

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

2 responses »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s