Hapit

Standard

Nanakit ang likod
at mugto ang mata,
iniinat niya ang mga braso
at inunat ang mga binti.
Tinipon ang mga papel,
nilagay sa isang folder
bago tumayo
at tiningnan ang orasan:
menos diyes
para alas tres.
May dalawang oras
pa para matulog
pero sa banyo dumiretso
at siya’y naligo.
Wala pang araw
nasa opisina na,
sa mesa’y naka-ub-ob.
Pagpatak ng alas otso,
nag-ring ang telepono
saka kinuha
ang folder
sa drawer
at ipinatong
sa mesa ng amo.

DAY 12

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s