Quote

Nakasalampak siya sa lapag,
hawak
ang isang plastik
na kanyang inilapit
sa batang babaeng nakakapit
sa kanyang bisig.

Binutas niya ang plastik,
nilamas ang kanin
at asin, kinuskos ang kamay
sa nanggigitatang kamiseta,
dumampot ng kanin
at sinubuan ang batang nakakapit
sa kanyang bisig.
Sumubo din siya ng isa,
bago kinagat
ang plastik ng tubig
at pinasipsip
sa batang nakakapit
sa kanyang bisig.

Isinuksok niya ang mga plastik
sa kanyang sakong malagkit.
Saka sumalampak muli sa sahig
at kanyang inilapit
ang batang babaeng nakakapit
sa kanyang bisig
punta sa kanyang dibdib.

Siya’y umawit
ng himig
ng isa pang subo,
isa pang sipsip,
isa pang subo
at isa pang sipsip.

 

DAY 10

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Magkapatid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s