Belated Happy Mothers’ Day

Standard

Malayo pa sa bahay
nakita ni Nanay
nangingitim na kamay
ng bunsong kumakaway.

Bunot ka’gad ng panyo
ang inang tumakbo
palapit kay Bunso
nang kamay ma-klaro.

Nagtatalon si Bunso
may kung ano’ng turo,
habang ang inang hapó
tuloy ang punas sa panyo.

“Nanay, tingnan, tingnan,”
at itinuro ang sasakyan
na ang bintana’y sinulatan:
‘Bunso ♥ Nanay Vivian.

Abot tainga ang ngiti
ng inang napatili.
Niyakap si Bunso nang buong higpit
at hinagkan makailang ulit.

“Uwi na tao,” aya ni Bunso
sa inang ang mata’y mugto.
Pinagdaop nila ang mga palad
at daan pauwi ang nilakad.

 

DAY 9

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s