Apatnapung araw ng pagsusulat

Standard

Ginawa ko ito apat na taon na ang nakaraan. Kada umaga pagkagising, dumidiretso ako sa malaking mesa sa sala, binubuksan ang isang kwaderno, dinadampot ang isang bolpen at walang tigil na nagsusulat.  Noong una, labinlimang minuto ko ito ginagawa hanggang sa kinukulang ang takdang oras at kailangang pahabain. Isinusulat ko ang kahit na anong maisip ko. Freewriting ang tawag dito ng mga propesyonal na manunulat.

Sa kanyang Trip to Quiapo, sinabi ng scriptwriter na si Ricky Lee na kailangang matanggal sa isang manunulat ang takot na humarap sa isang blangkong papel. Para kay Lee, ang pagsusulat ay pagtalon sa isang bangin; habang nasa ere, makikita ng manunulat ang mga bagay sa buong paligid: ang bagay sa taas, baba, kanan at kaliwa. Ayos lang na mahulog kung hindi umabot ang talon sa kabilang dako ng bangin. Mas magandang may narating na bago kaysa naman walang nagbago.

Pero noong nagka-trabaho na , umikli ang oras ng pagsusulat, nailipat pa sa hapon ang takdang oras hanggang isang araw naisuksok kung saang shelf ang kwadernong dati’y punong-puno ng mga draft ng mga kwento, sanaysay at tula.

Dalawang taon ko ring kinaya ang freewriting na iyon. Hindi siguro masamang simulan ko muli iyon dito, hindi ba?

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s