Ang estudyante kapag bakasyon (1)

Standard

Tirik na ang araw
pero nakabaluktot pa rin
sa kama. Pagkamulat, iinat
bago pumunta sa sala
at mahiga sa sofa. Bubuhayin
ang telebisyong
ilang beses iikutin ang lahat ng channel,
bago tatayo at bubuksan ang ref,
maghahanap ng makakain. Sakaling bigo,
computer naman ang haharapin
at habang nakikinig
sa “Hola!”
o kaya “Uhh, Spongebob?”
o kaya naman sa “Kagibunshin technique!”,
magbabasa ng

  1. Notifications
  2. Friend Requests
  3. News Feed.

Kapag narinig ang palahaw ng ina:
“Maglinis ka muna bago umupo d’yan!”,
kukunin ang tambo at ikikiskis sa sahig ang walis
na dadaan sa bahaging susuriin ng ina mamaya.
Uupo uli,
magla-like,
magko-comment
magpo-post
bago maramdaman ang kalam ng sikmura.
Kakain, magsi-siesta,
tsaka babalikan ang

  1. Notifications
  2. Friend Requests
  3. News Feed

habang nakikinig
sa “Kuha mo?”
o kaya “Ang mga rebelde!”
o kaya naman “Walang hiya ka talaga, Gary!”.
Kapag naubusan na ng
maii-like
mako-comment
at ng mapo-post,
babaluktot muli sa kama
habang paparating na ang umaga.

DAY 1

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

One response »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s