Quote

Singhaba ng pila sa NFA rice ang pila sa ATM,
pati na rin sa kahera ng mga mall
na nagbandera ng isa na namang “SALE”.
Sa Divisoria, pisngi ang pagitan ng pulutong ng taong
usad-pagong sa pagsunod sa mga
kargador ng mga kahong
nakababali ng likod. Ismid ang ngiti
ng mga ngalay sa paghahanap ng upuan sa mga
kainan,
sinehan,
gimikan.
Kinabukasan,
iikli muli ang mga pila sa ATM
at sa mga kahera ng mga mall
na maglilikom ng kanilang mga bandera. Dipa
ang magiging pagitan ng iilan na susunod
sa kargador ng mga kahong
nakababali ng likod. Ismid ang magiging ngiti
ng may-ari ng mga
kainan,
sinehan,
gimikan.

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.

Tuwing akinse at katapusan

One response »

  1. isang buhay na paglalarawan ng karaniwang agos ng lipunan kada akinse at katapusan.

    aabangan ko pa ang iba mong tula. nga pala, nais din kitang anyayahan sa darating na pasiklabang pampanulat ni ginoong j.kulisap.

    makikita mo siya sa http://jkulisap.com

    magandang araw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s