Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Pera: Ang 10 piso

Standard
Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Pera: Ang 10 piso

Sa New Design Series, dalawang perang papel ang hindi na iniimprenta pero maari pa ring gamitin sa mga pinansyal na transaksyon: ang limang piso at ang sampung piso. Tatalakayin sa sanaysay na ito ang pera na nagkaroon ng dalawang bersyon at ang natatanging perang papel na mayroong dalawang imahe ng bayani na disenyo sa harapan.

 

Ipinapakita si Apolinario Mabini sa orihinal na bersyon ng sampung piso sa New Design Series. Si Mabini ang itinuturing na Utak ng Rebolusyong 1896, tinaguriang Dakilang Lumpo at ang kauna-unahang Prime Minister sa kasaysayan ng Pilipinas.

Isinilang si Mabini sa Talaga, Tanauan, Batangas. Hindi man mayaman, nagawang makapag-aral ng batang Apolinario sa Maynila.  Nakatapos siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas naman para sa kursong Law.

Hindi ipinanganak na isang lumpo si Mabini. Nagkasakit siya ng polio noong siya’y tatlumpu’t isang taong gulang. Ang sakit na iyon, ayon sa National Orthopedic Hospital, ang umangkin sa kanyang mga binti. Bagaman mayroong kapansanan, hindi ito naging hadlang upang lumahok siya sa kilusan tungo sa kalayaan.

Isang pacifist si Mabini, hinangad niya ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapa at dahan-dahang paraan. Para sa mga tulad niya, hindi pa handa ang Pilipinas sa kalayaan hangga’t hindi pa natutunan ng mga Pilipino kung paano mamuno at magpalakad ng isang malayang bansa. Ang paniniwalang ito ang katulad ng kay Rizal kaya hindi nakapagtatakang sumali si Mabini sa La Liga Filipina.

Nang mabuwag ang La Liga dahil sa pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan, kinuha si Mabini ni Emilio Aguinaldo bilang tagapayo, isang papel na kanyang gagampanan hanggang sa mga huling araw ng Unang Republika.

Sa dakong kanan ng pera, makikita ang isang papel na may kasamang pakpak na panulat (quill) at bote ng tinta. Nakasulat sa papel ang isa sa mga pinakaimportanteng dokumentong isinulat ni Mabini noong kasagsagan ng Rebolusyon: El Verdadero Decalogo (True Decalogue o Ang Tunay na Sampung Utos).

Sinasalamin ng Decalogo ang mga pananaw ni Mabini ukol sa mga tungkulin ng isang Anak ng Bayan noong ika-labingsiyam na dantaon. Malaki ang naging impluwensiya ng Kodigo ng  mga Mason kay Mabini sapagkat tulad ng iba pang mga repormista noong panahong iyon, miyembro sila ng samahang Freemasonry.

 

Sa likuran naman ng unang bersyon ng sampung piso ay ang Simbahan ng Barasoain. Sa simbahang ito nagtipon-tipon ang mga delegado noong 1898 para sa kauna-unahang kumbensyon na bubuo ng unang saligang batas at magtatayo ang Unang Republika ng Pilipinas. Dito rin ginamit ang ikalawang mahalagang dokumentong naisulat ni Mabini: ang Programa Constitucional de la República Filipina o ang Constitutional program of the Philippine Republic. Ang pangyayaring ito na tinatawag sa kasaysayan ng Pilipinas bilang 1898 Constitutional Convention ang nagpatibay sa mahalagang papel na ginampanan ni Mabini upang maitayo ang rebolusyonaryong pamahalaan. (N.B. Sa pagtitipong ito rin nagsimula ang tsismis na ang pagkalumpo ni Mabini ay mula sa sakit na syphillis.)

Upang sariwain naman ang ika-isandaang anibersaryo ng kamatayan ni Andres Bonifacio, inilabas noong 1997 ang ikalawang bersyon ng sampung piso. Naging dalawa ang imahe sa harapan, nadagdaang ang imahe ng mga ambag sa harapan at sa likuran ng perang papel.

Kilala rin bilang Supremo, si Andres Bonifacio ang tagapagtatag ng Katipunan, ang samahang nagtulak ng isang rebolusyon sa pamamagamitan ng pakikidigma. Tubong Tondo, Maynila si Bonifacio at hanggang sa kasalukuyan, ay pinagdedebatehan pa rin ang totoo niyang estado sa lipunan. Isang mestizo si Bonifacio sapagkat isang Española ang kanyang ina. Hindi rin nakatitiyak ang mga historyador ukol sa kanyang trabaho sapagkat gumamit si Andres ng mga pekeng cedula.

Mayroong nagsabi na isa siyang vendedor o tagatinda ng tungkod at pamaypay na papel. Naging mandatorio din daw si Bonifacio sa isang Ingles na bahay kalakalan. Umangat siya bilang bodeguero sa isang bahay kalakalan na pag-aari ng isang negosyanteng Aleman. Sa dami ng salin (sa Ingles man o Tagalog) ng mga salitang nabanggit, maging ang dating puno ng National Historical Institute ay nalito sa naging trabaho ni Andres Bonifacio.

Pero may isang katotohanang nananatili sa gitna ng kalituhan: hindi mahirap pa sa daga si Bonifacio, na inilalarawan ng ibang mga libro ng kasaysayan.

Sa gawing kanan ng pera at kapiling ng Decalogo ay ang bandila ng Magdiwang, ang partido ni Bonifacio na naghalal kay Aguinaldo bilang Pangulo sa Kumbensyon sa Tejeros. Hindi umalma si Bonifacio sa resulta, kahit na ang layunin ng kanyang pagdayo sa Cavite ay pagkaisahin ang mga probinsya ng Katipunan na nahati sa Magdiwang at Magdalo (ang huli ay kay Aguinaldo). Ngunit nang may tumutol sa pagkahalal ni Andres bilang Kalihim Panloob (Director of the Interior) at pinagpilitang sa Cavite din daw ay mayroon silang abogadodoon uminit ang ulo ni Bonifacio at binunot ang kanyang baril. Masuwerteng napigilan ng ilan si Bonifacio. Sa kanyang galit, ipinahayag niyang siya, bilang Supremo ay pinawawalang halaga at pinawawalang bisa ang nangyaring eleksyon.

Doon nagsimula ang lamat sa ugnayang Bonifacio-Aguinaldo na siyang ikamamatay ni Andres sa huli.

Katabi ng bandila ang Kartilya ng Katipunan, ang balangkas ng mga aral ng Katipunan na akda ni Emilio Jacinto. Una nang gumawa si Bonifacio ng kanyang sariling decalogo para sa Katipunan ngunit nang makitang mas maganda ang nagawa ni Jacinto, nagbigay-daan si Bonifacio para sa mas nakababata.

Tampok naman sa likuran ng ikalawang bersyon ng sampung piso ang Simbahan ng Barasoain at ang eksena ng ritwal ng pagsali ng mga bagong miyembro ng Katipunan.

Inilarawan ni Teodoro Agoncillo sa kanyang librong Revolt of the Masses ang karaniwang pangyayari kapag isinasagawa ang ritwal na ito.

“With his padrino or sponsor, the neophyte, in black habiliments, enters a small room. He is brought before a cabinet draped in black, while in front of him, on the walls, are posters with the inscriptions “If thou hast strength and courage, thou mayst proceed”; “If curiousity brought thee here, proceed not”; “If thou knowest not how to control thine bad inclinations, proceed not: the door of the Powerful and Most Respectable Society of the Sons of the People will not be opened to thee.”

The neophyte is then seated near a small table dimly lighted and on which are a revolver, a bolo, a skull and a formulary containing three questions that he must answer satisfactorily. The questions are: First, What was the condition of the Philippines in early times? Second, What is the condition today? Third, what will be the condition in the future?

Coached previously by his sponsor, the neophyte answers that the Filipinos at the coming of the Spaniards had their own civilization and political liberty, their own religion and alphabet, and had commercial and diplomatic intercourse with the nations of Asia. In a word, that the Filipinos were happy and independent. As to the second question, the neophyte answers that the so-called friar-missionaries have done nothing to civilize the Filipinos, since the interest of the friars is incompatible with the civilization of the country–they had done nothing more than teach the forms of Catholicism in its shallow trappings, blinding the Filipinos with the apparatus of magnificent religious festivals which cost them so much and benefit only the friars. The third question is answered by saying that with faith, courage and constancy, all brutalities and iniquities of the Spanish authorities will be remedied in time and freedom will be redeemed.

The questions answered to the satisfaction of the members present, the mabalasik, or master of ceremonies, tells the neophyte to proceed with the rites, since the society does not have use for cowards. If he persists, he is led blindfolded into another room where is courage is put to a test, and as in the Masonic rite, he is tried by ordeal to prove if he is made of the stuff demanded by the rigid regimen imposed by the rules of the Katipunan. Passing the physical tests he is next led into another room where the final rites take place. A scalpel is introduced, and incision is made in the left forearm of the neophyte, and with his own blood he signs the oath of membership as follows: “I hereby swear in the name of God and of the Country that I will defend with full courage the objectives of the Highest and Most Respectable Society of the Sons of the People, keep all its secrets that I see and hear, follow it blindly, help all brothers in all dangers and needs. I hereby swear and promise, too, to respect its leaders, not to be faithless to their orders and instructions, and I sign the document before me with my own blood, which I voluntarily spill.”

The neophyte, so far from being intimidated by the physical ordeal, is moved to tears by deep emotion and enthusiasm at the prospect of serving his countrymen in the struggle for national solidarity and emancipation. Having signed the document with his blood, the initiate is told to choose a symbolic name. A short lecture is given the new member, in which the lecturer reminds him that, “We the sons of the People established this association in order to redeem the Mother country form slavery. As such it is imperative that we should be united, that we should look up to each other as more than mere brothers, to help each other in any emergency, and always consider that all of us are of the same color and race. This is our real origin: that we are not of different races–we are not only relatives, but also true sons of one mother.”

Sa bandang huli, ang sampung piso ang nagpapakita ng dalawang pananaw ng Unang Yugto ng Rebolusyong 1896: si Mabini na naghangad ng mapayapang paraan ng pagbabago at si Bonifacio na nagtulak ng pagbabago gamit ang armas.

MGA TALA: 

Agoncillo, Teodoro A. The Revolt of the Masses The Story of Bonifacio and the Katipunan.  The University of the Philippines Press: Quezon City, 2002.

Ocampo, Ambeth R. Bones of Contention The Bonifacio Lectures. Anvil: Manila, 2001.

National Council on Disability Affairs, Apolinario Mabini, Retrieved from the world wide web http://www.ncda.gov.ph/featured-filipino-pwd/apolinario-mabini/ on 18 May 2012.

Philippine Center for Masonic Studies, Apolinario Mabini, Retrieved from the world wide web http://www.philippinemasonry.org/3/post/2011/04/apolinario-mabini.html on 18 May 2012.

MAGDIWANG FLAG:

10_PESO_HQ and 10_PESO_HQ2:
Courtesy of Ms. Alyssa Pajarillo

10_PESO_Katipunan initiation:
Courtesy of Ms. Erika Angeline Dela Cruz

10_PESO_mabini-bonifacio-reverse:
Courtesy of Mrs. Lolita Corrales 

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s